Mag-broadcast ng anumang URL sa mga computer na kayang makarinig.
Ino-on ng Google Tone ang mikropono ng iyong computer (habang naka-on ang
extension) at ginagamit ang mga speaker ng iyong computer upang makipagpalitan ng mga URL
sa mga kalapit na computer na nakakonekta sa Internet. Maaari mong gamitin ang Google Tone
upang ipadala ang URL para sa anumang web page, kasama ang mga balita, larawan, dokumento, post sa
blog, produkto, mga video sa YouTube, recipe—kahit ang mga resulta ng paghahanap. Ang anumang
computer na napakalapit (kahit sa pamamagitan ng telepono o Hangout) na may
naka-install at NAKA-ON din na extension ng Google Tone ay maaaring makatanggap ng
notification ng Google Tone.
Kailangang naka-log in ka sa iyong Google account upang magamit ang Google Tone, at
ang iyong pangalan at larawan sa profile ng Google ay ipapakita kasama ang URL sa
isang notification sa Google Tone.
Upang makatanggap ng URL sa Google Tone, kailangang i-on ng Chrome ang
iyong mikropono. Maaaring hindi gumana ang Google Tone sa maiingay na lugar, sa malayo, na may
mahinang koneksyon sa Internet o kaya sa mga computer na walang mikropono o
may mikroponong walang kakayahang matukoy ang pag-broadcast ng tunog ng Google Tone.
Sa pamamagitan ng pag-i-install ng Google Tone, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo
at Patakaran sa Privacy ng Google sa https://www.google.com/intl/fil/policies/. Kumukuha
ang Google Tone ng anonymous na data sa paggamit alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng
Google.